Tuesday, May 17, 2011

Mga Karakter sa Pagbabanda











Isang katuwaang article para sa inyo. Ito ay maaring totoo o piksyon. Ito ay base sa sariling karanasan na hinaluan ng imahinasyon at hindi kalian man sumasalamin sa kahit kanino. Ang init init sana lumamig ang ating mga ulo sa artikulong ito, baka lalong umiinit pa nga ulo dahil WALEY!
12 out of infinite Characters sa buhay Banda!

Rookies  – “Tara Buo Tayo banda! Cover natin Alapaap - Eraserheads, The reason – hoobastank at Jeepney – spongecola” Ito malamang ang maririnig mo sa kanila. Sila din yun mga hayok na hayok kumuha ng gig na kahit 20 tickets 200 each with free sticker ay papatusin na makatugtog lang sa gig. Matagal sila magsetup dahil inaalam pa nila kung saan isasaksak ang kurdon at kanino manghihiram ng drumstick.

Studio Wreckers  – Sila yun mga tagabutas ng skin ng snare at tagapilas ng cymbals. Tagaputol ng strings gamit ang 3mm pick. Madalas ang bandang may ganito ay nagdidisband agad. Tuloy pa rin sila sa paghasik ng lagim sa mga gig o sa mga studio na mapupuntuhan nila kaya (BEWARE!)

Outsiders – Sila ang mga hindi oorder sa bar ngunit makikita mo umiinom ng GranMa sa labas ng bar. Sila ang nagpapaluwag sa masikip na venue dahil papasok lang sila pati mga guest nila pag set na nila. Mabibilis din ang kamay nito, sa isang beses nilang nasa loob nakakauwi na sila ng mababa sa 10 baso at 3 menu galing sa bar. Sa ngayon misteryo pa rin sa karamihan paano nila nagagawa ito.

Drunken Masters – Ito ang mga taong hindi tumutugtog ng hindi nakainom. Mahina sa kanila ang isang bucket ng beer at 1 sizzling sisig. Sila yun pinaglihi sa Makahiya pag walang alak kulang nalang maglagay ng supot ng pandesal sa ulo nila. Gustong gusto sila ng mga Bar at Production. Kahit wala silang ginagawa sa instrumento nila ay hayop sa hiyaw ang may ari ng bar at mga staff ng production.

Quiet Ones - Ito ang combination ng outsiders at drunken masters. Madalas tahimik lang sila sa isang lugar. Aalukin mo ng alak tatanggi sila dahil nahihiya sila sapagkat wala siyang pera pang ambag. Magugulat ka nalang at mas makulit pa sa iyo habang nagpeperform. PagnagCR o nag yosi sa labas i-expect mo, solve na yan!







Rockstars – “Stars of the night” sa kanilang sariling mundo. Idol nila si Vic Sotto kasi lagi nilang sinasabi sa microphone, “Hi! Fans!”. Sila yun kakausapin mo, “Sir, ang galing niyo po” ang laging reply nila “Yeah, I know!”.  Lagi silang may dalang pentel pen. Kahit hindi ka humingi bibigyan ka nila ng autograph. Lagi silang nakikisali sa may nagpipicture at aakbay pa sa iyo at sasabihin “OK lang, My pleasure”. Hindi ka nila i-aadd sa facebook pero maifofollow mo sila sa twitter.

Supermen – Ang mga taong hindi natutulog. Meron silang mababa sa 2 trabaho, 5 sports na active at 3 banda (maliban pa yun sinesession nila). Makikita mo sila halos sa iba’t ibang lugar sa isang araw. Sa byahe lang sila natutulog dahil sa prinsipyo nila, “1/4 ng buhay natin tayo ay tulog, kung 100 years kang nabuhay 25 years ang nasayang sa pagtulog”. Madalas silang napapatalsik sa trabaho dahil sa opisina sila nagpapraktis ng pyesa ng kanyang mga banda.

Panoramics - Sila ang lahat sa isang banda. Sila ang gumagawa ng lyrics, bass line, lead and rhythm guitar at drums solo. Sila din ang humahanap ng mga gig at contact. Sila din ang nanlilibre sa mga kabanda niya ng pampraktis at mga gastusin sa gig. Wala silang hobby kung hindi ang pagbabanda at tugtugan nila. Wala silang sex life at madalas silang nagsisisi sa kanilang pagtanda sa pagiging matandang binata at dalaga.

Internet Wizards – Sila ang taong kilala at alam ang lahat ng kanta ng kasabay nilang banda (maliban kung walang fanpage yun banda). Sila yun updated sa lahat ng activities at gigs sa internet. Madalas makikita mo sila sa wall ng mga production at sa mga bandpage. Friendly sila sa chat pero sa personal makakausap mo lang sila pag may wifi sa paligid. Magaling silang bumasa ng tabs at pinagdidikit nila ang mga tabs at lyrics para makagawa ng pyesa sa banda.  Sila din ang may salarin sa pagkagawa nito.






Cavemen – kabaliktaran ng internet wizards at supermen. Tatlo lang ang ginagawa nila sa buhay (huwag kang pilosopo) matulog, magpraktis ng pyesa at maggig. Wala silang electronic equipment maliban sa amplifiers at music gadgets nila. Misteryo pa rin kung saan sila kumukuha ng pangkain nila sa karinderya at pambayad ng bills sa kuryente. Naglalakad sila lagi sa venue ng gig at minsan ay nagbibisikleta. Environmentalist din sila kaya ayaw nila sumakay ng kahit anong uri ng smoke-emitting vehicles.

Guest Band Calibers – Ito ang mga taong hindi papayag hindi sila guest band sa mga event. Madalas may conflict ito sa mga kabanda niya dahil sa kakulangan ng mga gigs. Lagi niyang inilalagay sa wall ng mga production “Check us out! Pwede po ba kami maging guest band?”.  Bilib na bilib sila sa sarili nila at laging pinagmamalaki na kaya niya ang lead ng “through the fire and flames – dragonforce” o mga palo ni Mike Portnoy. Chinecheck niya rin palagi ang tip na makukuha niya at laging malaki dapat ang porsyento niya.

Elders – Sila ang beterano sa eksena. Madalas sila ang nagbibigay ng payo kung paano pagandahin ang musika, paano palaguin ang negosyo at kahit na problema sa pagibig nasasagot niya. Madalas hindi sila nagrereply sa text dahil lahat ng hindi niya kaclose ay linalagay niya sa spam message. Madaling lapitan sa personal lalo na pag lasing! Maghanda ka na ng ballpen at notebook para makakuha ka ng tips base sa kanilang experience.  Hate na hate din pala nila mga jejemons.  (Jejejejeje)

Pag maraming nabaduyan malamang wala ng kasunod ito. :)) Salamat sa mga nagbasa at suportahan natin ang Indie Band News pati na rin ang munti kong bandang TRIPLEHORNS. More power sa mga bandang nandiyan.

Walang kinalaman ang title sa laman ng article na to.


5 comments:

Indie Band News
If you have news and anything about your band, please post it here. If you want your demos/EP/album reviewed, holler at us! Anything about the underground scene.

Let's support each other and keep the industry alive. :) ask us anything at FormSpring

View Complete Profile