Friday, May 20, 2011

10K.... Achievement Acquired!













December 2, 2010. Ang araw na ginawa ko ang Indie Band News. Sa mga panahong yun eh alam ko ay kakasarado lang ng NU at naghihimutok ang mga kalooban ng mga mahihilig sa klase ng musika na di mo mahahanap sa ibang istasyon ng radio. Ang NU ay di lamang istasyon ng mga “Rakista” kundi istasyon ito ng mga taong mahihilig sa Indie Music. Isang klase ng musika na di nabahiran ng komersyalismo at punong puno ng pagasa na maririnig ng ibang tao ang kanilang mga tugtugin. Isang klase ng musika na maski ako ay kasali. Ramdam ko ang kahirapan at saya ng pagbabanda. Kahit minsan ay mahirap o imposible, nakakaya parin itaguyod ang kanya kanyang banda. Di mo maitatangi ang sarap at tamis ng feeling kapag nakakabuo ka ng kanta. Mas lalangamin ang kalooban mo kapag natutugtog nio na ito sa harap ng maraming tao. Kahit nga minsan ay mabibilang sa kamay ang audience mo ay todo kayod ka parin.

Sa totoo lang ay di ko alam na lalaki ang network natin ng ganito. Di ko akalain na napakaraming bandang naghihirap sa pag promote at pagpapalaganap ng kanilang musika sa ibang tao. Actually mas madali sa mga panahong ito dahil sa mga social networks. Isang platform para makilala ang mga tulad nating indie bands ang internet lalo na ang facebook. Di na tayo magpapasa ng mga brochure at hand outs sa labas ng bar na tutugtugan natin. Di na tayo tatawag sa bawat isang kaibigan natin para ipaalam sa kanila na meron kang tugtog sa ganitong araw at sa ganung lugar. Pero kahit advance na an gating teknolohiya ay napaka hirap mag-aya ng mga pupunta sa gig nio. Trust me.. I know…

Isa sa mga paborito kong sites kapag wala akong ginagawa sa office ay ang www.absolutepunk.net. Isang foreign site na naglalaman ng mga balita sa mga punk rock bands. Kadalasan ko kasing hanapin at maging updated sa mga paborito kong banda lalo na ang Blink 182 at Taking Back Sunday. Naisip kong napakagandang idea ang isang site na pwede mong makita at malaman ang mga bagong updates sa mga banda na gusto mo. Ang maganda pa dito ay makikilala mo pa ang mga bandang di mo naeencounter. Mga bagong banda na meron sariling musika na maganda at kapanapanabik.  So I decided to make this fan page… Indie Band News.

Maganda ang unang mga araw ng fan page na ito. Kahit kakarampot pa lang ang mga naglike sa naturang page ay lalo akong ginanahan na magupdate ng magupdate ng mga kung ano ano tungkol sa mga banda. Isa sa mga goals ko ay gawing isang malaking network ang mga banda at mga production na tingin ko ay di masyadong nagkakakilala. Masasabi kong successful ako sa naturang hangarin na iyon. Ang mga dating di magkakakilala ay ngayon nagiging acquainted sa isa’t-isa.

Kahit maraming nanyaring di maganda or di kaayaaya sa mga days ng page nato ay di ko nireregret na kinakain nito ang oras ko bawat araw. Oo maraming nanyari na.. isang launch sa Headstock, isang launch sa Molokai na balita ko ay umulan ng alak, isang cancelled event sa Kodomo  at isang trip kong pa event sa Genre Bar. Ang sarap makita kayong tumutugtog at nageenjoy!

Natutuwa rin ako at me mga naglabasan na mga page tulad natin. Ang mga buddies natin na mga yan ay suportahan rin natin dahil maganda ang kanilang hangarin. Nagpapasalamat ako sa mga founders at admins ng mga page nay un kasi alam ko na mahirap ang ginagawa naming but still ginagawa parin nila. Don’t get me wrong. Di madaling magupdate araw araw.

Laking pasalamat ko sa mga admins ko na sina Arnold of Espiya, Mitsi of Freia, Kuya Kurt and  Sir Nolit of Indiepinoy, Jowi of Halogen, Joanne, Jacob of Soil & Green, Hanna banana of South Hallucination Productions, Carlo of Sonnet2ezra, Café Antonio Los Banos Group, Geepee of Filled Trip at Chloe of Milky Summer. Di lalago ang page na ito kung di ko kayo kasama. Kahit busy kayo sa buhay buhay ay alam ko na suportado nio ang page natin. Salamat sa mga tao sa Indie Band News Support Group! Mga helping hand natin sa paggawa ng mga magagandang bagay tulad ng Web Magazine natin. Sa lahat ng banda at production, salamat sa pag like din at pag support! Salamat din sa mga naglike dahil sa Indie’s Hottest Girl!

10k na tayo… achievement acquired! 

No comments:

Post a Comment

Indie Band News
If you have news and anything about your band, please post it here. If you want your demos/EP/album reviewed, holler at us! Anything about the underground scene.

Let's support each other and keep the industry alive. :) ask us anything at FormSpring

View Complete Profile