Thursday, June 2, 2011

Labelling










Nandito ako ngayon para magbigay ng makabuluhang paksa kakaiba sa nauna kong artikulo dito. Ito ay sariling opinion lang at kung may reaksyon man, masaya ko kayong pauunlakan. Medyo mahaba pero aasahan ko na babasahin niyo ito at iinitindihin niyo mga nakasulat dito.

Ano nga ba ang labelling? Labelling ay isang paraan ng pagkilala sa isang bagay at mahiwalay ito sa iba. Kung walang labelling lahat ng bagay ay tatawagin nalang natin non-living things o kaya bagay lang. Imagine bibili ka sa tindahan, “Kuya pabili nga ng inumin yun hugis babae na kulay itim ang likido.” Di ba mahirap?
Sa musika ginagamit natin ito para malaman kung ano bang tugtugan nabibilang ang isang banda. Inilalabel natin ang banda o musika sa pamamagitan ng genre.

Sinong gumagawa ng labelling? Kahit sino pwede. Ngunit, nagkakaroon tayo ng mga “mislabelling” na hindi natin alam nakakaapekto sa pagiging edukado sa musika ng mga nakikinig at sa scene ng apektadong genre.

Eto ang mga hakbang para sa maayos na labelling:

1. Huwag maniwala sa iisang pinagmulan o “source”.

- Lalo na sa “mainstream sense of labelling”, wag basta basta tayong maniwala sa pinagsasabi nila. Hindi porket sinabi ni MTV na “punkrock” ang Blink 182 at “HeavyMetal” ang Metallica ay mananatili sila sa ganyan tugtugan o naging ganyan nga talaga ang tugtugan nila. Maswerte tayo sa panahon ngayon at may internet na pwede ka magtype sa Wikipedia o Google about sa paksa na gusto mong iresearch. Ngunit huwag ka lang babatay sa iisang “source”, titingnan mo rin ang citation na ginamit kung reliable ba ito. The many the sources, the better!

2. Alamin mo ang ugat!

- Parang batang hindi kilala ang magulang ganon inihahantulad  ang mga labellers sa ilalabel nilang kanta o banda na hindi alam ang ugat ng kanilang tugtugan.  Lagi niyong tandaan bago maging Poppunk, Post hardcore, Death Metal, etc. ay may pinagmulan parin yan purong genre. Nasa inyo yan kung aalamin niyo. Kung wala kayong makitang ugat niyan, malamang gawa gawa lang yang genre na iyan.

3. Humingi ng tulong sa 10-20 na kritiko.

- Wala kang oras para magresearch? Humingi ka ng mga opinyon sa mga kritiko na maraming alam sa musikang gusto mong ihalintulad sa banda mo o sa paksa mo. Hangga’t maaari ay hindi magiging Bias ang opinyon nila para sa inyo. Humingi ka nga ng opinyon sa 20 taong kaibigan niyo pero pinangunahan niyo na “hardcore” kayo at hindi nila alam ang tunog ng hardcore malamang sasangayon yan. Ginawa niyo lang kalokohan ang sarili niyo at mga kaibigan niyo.

4. Mas mabuti ilabel ang kanta kaysa sa banda.
- Huwag kayong babatay sa genre ng banda ngunit suriin ang mga kanta nila. Sa pagiging creative ng isang banda, nahihiwalay na minsan ang tugtugan nila sa genre na kinabibilangan nila. Masama ba iyon? Hindi. Ngunit sa simpleng pagbabago ng tugtugan, dapat dagdagan o baguhin ng isang banda ang genre kinabibilangan nila. 311 ay isang halimbawa ng mixed genre na banda ngunit hindi ito naging hadlang para sila ay macriticize about doon. Hindi kasi sila claimers at hinahayaan nila ang mga kritiko ang humusga sa kanila.

5. “to label with standards or not to label at all”

- Kung hindi mo alam ang ginagawa mo, better yet manahimik ka nalang o hayaan ang iba ang humusga sa iyo. Parang pag nasira ang electric fan mo at hindi mo alam gawin, di ba pinapaayos mo ito sa may alam? Ganon din sa paglalabel. Kung hindi mo masunodsunod ang 4 na madadaling hakbang sa taas at wala kang mailagay sa band info mo, Ilagay mo nalang  “a 5-piece band” , “playing rock and pop” o yun paborito kong linya ni Neyo “It is not rock, rnb, pop, trance. It is just good music.” Play safe di ba? Uulitin ko, “To label with standards or not to label at all”.

Bakit ko nagawa itong artikulong ito? Hindi para manghusga ngunit magkaroon ng batayan at gawing edukado ang mga banda at mga makikinig sa tamang tugtugan na gusto nila. Hindi porke’t pinabilis ay “punk”, hindi porke’t mangiyak-iyak ang boses ay “emo, hindi porke’t malaki boses ay “hardcore”, hindi porke’t upbeat ang gitara “reggae”, hindi porke’t may torotot “ska”, hindi porke’t mabigat “metal” at marami pang iba. At isa pa, hindi porket nakaporma ang isang tao ayon sa lifestyle ng genre na iyon ay ayon ang pinakikinggan niya. Sana ishare niyo ito at baguhin na natin ang maling pananaw na ito.

Naniniwala ako sa maayos na labelling lalong uusbong ang music scene sa Pilipinas lalo na ang mga scene na hindi nabibigyan ng pansin. Salamat sa pagbabasa. Any violent reactions? Sige lang! :)) Nasa labelling na rin naman tayo, pacritic yun banda naming TRIPLEHORNS. Salamat!

No comments:

Post a Comment

Indie Band News
If you have news and anything about your band, please post it here. If you want your demos/EP/album reviewed, holler at us! Anything about the underground scene.

Let's support each other and keep the industry alive. :) ask us anything at FormSpring

View Complete Profile