Thursday, June 30, 2011
Backout!
Hindi natin maiiwasan ang pagbackout sa gig. Pero aminin natin sa mga organizer ng event ito ang pinakaiinisan na problema nila. Isipin mo, Gawa ka ng gawa ng plano pero in the very last minutes mababago ang planong ginawa mo ng ilang araw. Hindi ba nakakabugnot yun?
Paano ba maiiwasan itong pagbabackout? Pag hindi maiwasan, Paano natin bibigyang suporta ang nagbibigay sa atin ng suporta sa pamamagitan ng pagtugtog ng libre o pag pinalad may TF pa kayong matatanggap?
1. Iwasan magbackout 1 week before the event:
-para sa akin ideal timespan yan. 1 week before ay sapat na araw (pwede itong 10 araw, 100 araw o 1000 araw bago ang event), hanggang diyan ba naman hindi mo malalaman kung ano ang activities ng bawat kabanda mo? Nagbibigay oras ito sa production na palitan ang isang banda kasi sa isang linggo maaari pa makapagprepare ang magiging kapalit. Sa magiging kapalit, wag naman kayo magpapalineup kung hindi kayo sure. Maraming banda sa Indie Scene give way doon sa sure na makakatugtog. Baka instead makatulong kayo sa prod, mabuntungan pa kayo ng init ng ulo.
2. Humanap ng back-up sessionista:
-In case of emergency, halimbawa nahulugan ng paso sa ulo kabandmates niyo, dapat may sessionista kayong papalit sa kanya para tuloy ang gig at ang kasiyahan.
3. Iwasan ang dahilan na baluktot:
-pasensiya na hindi kami nakatugtog kasi “umuulan eh”, “ang layo eh”, “may pigsa ako eh”, “may ubo ako eh”,hmmm, ano pa ba? Tumahimik nalang kayo at magpasensiya tapos. Hindi rin naman makakatulong ang pagdahilan ng baluktot eh kaya magsinungaling nalang kayo ng magandang dahilan para pag nalaman ang katotohanan lalo pa masira ang pangalan ng banda niyo. May ibang banda tumutugtog kahit dapat magbackout na sila, (may lagnat, baha sa kanila, nahihimatay na, etc), kaya mahiya naman kayo sa kanila.
4. Tulungan ang production:
-Minsan hindi maiwasan ang biglaang backout. Sana sa rami mong friends na banda ay may mairecommend ka naman sa prod na magiging kapalit niyo. Naging anghel pa kayo sa Prod at ibang banda, ayos ba?
5. Sumuporta:
-"support" is an empty word unless you apply it with action. Support “Blah blah Prod”! tapos magbabackout ka at magsosorry lang. sa tingin mo sumuporta ka? Pag hindi natin maiwasan ang apat sa taas, sana ang ibang miyembro ng banda ay makilahok din sa event na iyon. Makakapanood ka na ng local talent (hindi yun puro foreign band lang pinapanood mo), magkakaroon ka pa ng bagong band friends at good vibes ka pa sa production. Para sa akin, mahirap suportahan ang isang banda kung sila nga hindi sumusuporta sa iba.
Para sa akin, ang pagbabackout ay isa sa mga dahilan, (maliban kung gusto mong gatasan ang mga banda, ibang usapan na yan), kung bakit nagkakaroon ng mga scum productions at mga production na sobrang rami magpalineup. Sabi nga ng tropa ko, “line up lang ng line up, may magbabackout naman diyan eh”. Paano pag walang nagbackout?
Sana sundin natin itong madadaling paalalang ito. Huwag natin hayaan ang mga production na gumagastos, nagaasikaso at nagsusumikap na ipalaganap ang bawat musika ng INDIE SCENE ay mawala dahil sa kawalan natin ng suporta at pakialam sa kanila. Huwag tayong maging sakim na puro tugtog at palineup lang ang ating nasa isip na pag dumating na magbackout tayo ay wala na tayong pakialam sa kanila.
Any violent reactions, visit our page Triplehorns. Check out also INDIE BAND NEWS, Green Apple Production, and many bands in the Indie Scene.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Supporta dapat ang kailangan. hindi porket sikat kana or may pangalan na kayo ay lagi kayong nasa backstage at nag iinum or nasa ibaba ng room at nag lalaro ng taguan "rock star effect".
ReplyDeleteSana wala din barriers sa music at mga production.
katulad ng walang barriers sa Language, Culture, Genre at TAO!
at ang pinaka huli sa lahat.
Wag gahaman sa pera ang prod.
God Bless.
Malayang Musika para sa lahat, malayang pamumuhay at pag kapantay pantay ng bawat tao sa mundo.
ang humigit pa or magalit sa sinabi ko ay "PRIDE" na ang Umiiral dyan kasi hindi mo tanggap na mali ka.
//HG