Sunday, May 15, 2011
Mic Test…One, Two..
By KuyaKurt
The most important part sa isang performance ng isang banda ay ang “Sound Check”. Siyempre babalansehin ninyo ang tunog ng grupo. Titimplahin ang mga amplifiers ng mga instrumento, kailangan tumunog ng ayon sa trip ninyo. Here are some tips and reminders para sa mga banda at sa mga nagsisimula pa lang na madalas kong mapuna sa mga gig na napupuntahan ko.
Huwag magtagal sa sound check at pag-se-setup ng instrument kung oras na ay oras na para magperform. Usually ang sound check talaga ay ginagawa before the show. Pero kung sa production ka na ala-woodstock, o yung kung mag-line-up ng banda ay 15 hanggang 30 (ows 30? Pamorningan parang wala nang bukas), huwag magbabad sa sound check, isipin naman ninyo ang susunod sa inyong mga banda at ang mga manonood (Lalo na kung 30 yung naka-line up..Paksyet!). Kung masyado kang matagal mag-set-up at kung nasa Battle of the Bands ka, malamang talo na kayo. Booo! Haha!
Para maiwasan ang pag-totono ng matagal sa stage, magdala ng “Guitar Tuner”. Ano ba naman yung mag invest ang banda para sa isang Tuner na magagamit naman ng ibang ka miyembro at sana hangga’t maaari bago pa sumalang ay nakapagtono na kayo. May banda akong napanood na ang tagal-tagal nila mag set-up at mag-tono, nang tugtugan na…sintunado pa rin. Uulitin ko…magdala ng Guitar Tuner at siguraduhin na alam gamitin.
Laging magdala ng extra na Kable. During set-up kasi minsan di maiiwasan na magka-problema sa kable. Ang iba manghihiram. But be sure na kapag nanghiram kayo, isoli ninyo agad pagkatapos na pagkatapos ng set ninyo. Pero siyempre para di ka makaabala ng iba, magdala na lang ng extra. At kung wala kang sariling kable, bumili ka. Magbabanda-banda ka wala kang kable.
Kung ikaw naman ay drummer, maigi kung may dala kang mga extra na sticks at cymbals, at huwag ka masyadong maingay kapag nagtotono ang mga gitarista.
Sa mga bokalista, check mo na yung mic kung ano amoy. Be sure na kapag may amoy na ang mikropono, iwasan madikit ang labi mo. May mga banda akong napanood na may dala silang “foam” na pinang-co-cover ng mic para pansalo ng sarili nilang laway at mayroon din naming iba may dalang sariling mic. Suwerte mo kung “First Band” kayo.
Pero mas importante pa rin siyempre, pakinggan mo ang tunog mo sa mikropono. Siguraduhin mong maririnig mo ang sarili mo kapag nagtutugan na. At tatandaan ninyo na ang pinakaimportanteng miyembro ay ang bokalista kaya huwag ninyong tatabunan ng tunog ng mga instrument ninyo. Paano maririnig yung lyrics ng kanta kung nilamon ng ingay ng gitara at lakas ng palo ng drums? Kung ganun lang naman mag-growl ka na lang.
At kung ikaw naman ay keyboardista, siguraduhin mong handa na ang mga gagamitin mong tunog at tulungan mo naman mag-tono ang mga kasamahan mo! Hindi yung tipa ka ng tipa ng Love is All That Matters di naman ninyo tutugtugin para makapag-paimpress lang.
Have someone na pakinggan ang tunog ninyo. Dapat tama lang ang lakas depende sa lugar. Kung maliit ang lugar tulad ng Genre Bar sa Cubao Expo, dapat suwabe ang tunog at hindi masakit sa tenga. Tandaan na ang mga manonood ay pumupunta sa mga gigs para din mag-relax. Hindi iyan pupunta sa mga bars para manood ng Construction Workers at dagdagan ang sakit ng ulo nila.
Alam kong marami pang dapat tandaan para maging maayos ang tugtugan ng banda, talakayin ko sa susunod kung may maalala ako at kung may mapuna ulit ako sa mga gigs. Haha!
Huwag ninyong kalimutan mag tune-in sa show ko sa www.radiopilipinas.com Online Radio everyday 3:00pm to 5:00pm, The Psychedelic Snail Show. At kung kayo ay banda at may demo na gusto ninyo patugtugin ko sa aking palatuntunan, mura lang ang bayad. Haha! Biro lang, libre to pre, send mo lang sa kuyakurt@gmail.com at mas okay kung kargahan mo na rin ng artist profile.
Para sa inyong mga comments and reactions, email nyo lang ako…delete ko agad. Haha!
Wasakenrol!!! \m/
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
\m/
ReplyDeletetama sir kuya kurt !! keep rocking !!
ReplyDeletetama naman lahat sir, salamat sa post, para mainform mga starting bands.
ReplyDeletepero inform ko lang po kayo na yung foam na nilalagay sa mic, hindi yung pangtakip. pop filter yun. para di masyado harsh yung "s" sounds sa mic
@Ling, yep tama ka pero isa ring function niya yung pansalo ng laway kasi sa studio (kung saan mas madalas gamitin ang pop filter), sensitive yung materials ng condenser mic; mas madaling mag-corrode o mangalawang kaya mahalaga rin na masalo ng pop filter yung laway. :)
ReplyDelete