- Una kong nalaman sa pagiging drummer ay ang pagseset-up ng drumset. Bago ka tumugtog, isipin mo muna kung saan magiging komportable yung pagpalo ng kamay at pagpadyak ng paa mo. Una mong tandaan na mahirap tumugtog kapag wala sa ayos yung kit mo. Halimbawa na lang sa mga bar gigs. Hindi lahat ng drummer sa gig na yun ay marunong o alam ang set-up ng kit nila. May mga drummer dun na kung ano na lang ang dinatnan nila, tutugtog agad sila. May iba naman na sobrang tagal mag set-up. Minsan yung ibang drummer gusto nila na mas mataas yung hats nila, mas mataas yung boom stand ng ride nila o mas mababa yung snare nila. Minsan kasi pag nasanay ka sa setup mo sa studio tapos biglang mag-iiba sa gig, baka iba din yung ma-palo mo o hindi mo alam kung ano yung papaluin mo. Bilang drummer ng banda, siguraduhin mong nasa tama ang ayos ng kit mo bago ka magsimulang humataw.
- Ngayon, ok na yung kit mo at handa ka ng pumalo pero napansin mo na parang tunog plastic yung snare mo at parang tunog tabo ang toms. Wala pala sa tono. Ang tangi mong kailangan ay isang drum key. Ano ang drum key? Yun yung parang screw na ginagamit sa pagtotono ng drum heads at pang sikip ng iba pang drum hardwares. Pero mas madalas itong ginagamit na pang tono. Pano mag tono? Gamit ang drum key, ipasok mo yun sa mga nakalawit na screw sa edge ng drum at iikot ng pa-clockwise. Sunod mong i-tono ang screw sa tapat ng nauna mong pinihit para hindi mabutas ang drum head. Parang pa-star yung direction. Pano malalaman na nasa tono na? Palu-paluin mo yung side ng drumhead kung saan malapit yung mga screw. Kung magkakatunog na sila, nasa tono ka na. Ganun din ang gagawin sa toms at bass drums. Mahalaga din na nasa tono ang snare mo. Pangit naman kung tunog toms yung snare mo, para kang tumutugtog ng jungle drums pag ganun. Madali lang ang pag-tono ng snare, may bilog sa gilid ng snare drum, pihitin lang ng clockwise, wag masyadong mahigpit at wag masyadong maluwag para lumabas ang solid na tunog ng snare. Mas preferred nung iba na may ring yung snare nila o may sustain, yung iba naman mas gusto nila na muffled o di masyadong matagal yung tunog pagka-palo. Kung gusto mo i-muffle ang drums mo, pwede mo lagyan ng packaging tape (yung grey) yung gilid ng drumhead para maipon yung tunog at hindi kumalat. Pwede ka din bumili ng kinakabit na muffler sa snare drum kung gusto mong mas muffled ito. Sa bass drum naman, pwede mong lagyan ng unan o ng foam yung loob ng bass drum. Siguraduhin lang na hindi masyadong mabigat yung pagkakasandal sa batter side ng bass drum mo para lumabas ang tunog nito.
- Nasa tono na ang lahat. Napansin mo naman na may kagat at punit ang cymbals mo. Alam naman natin lahat na provided ng bar ang cymbals pero hindi lahat ng bar ay nagpapahiram ng maaayos na cymbals. May mga ibang bar na kong natugtugan na kailangan pang magdala ng sariling cymbals. Alam kong hindi ganun kayaman lahat ng musikero lalo na yung mga nagsisimula pa lang pero mas maganda na simulan na magpundar ng gamit. Ang presyo ng ibang cymbals ay minsan mas mahal pa sa isang mumurahing drumset. Nasa sa iyo din yun kung anong klase at tatak ang gusto mo, depende na din sa tugtugan nyo o pandinig ng drummer. Kung murang cymbals ang hanap mo, meron sa website na PhiMusic.com na mga nagbebenta ng mga brand new o used na cymbals. Meron din sa RAON sa Quiapo. Kung beginner ka pa lang at nagtitipid, pwede na siguro yung Zildjian Planet Z o Sabian Solar. Kung hard hitter ka naman, ang dapat sayo ay Zildjian A Custom, Paiste Alpha o Sabial AAX series. Kung nagtitipid ka at gusto ng magandang tunog, pwede na ang Stagg o Wuhan cymbals. Kung mayaman ka naman at gusto ng high end na cymbals, bagay sayo yung Zildjian K Custom, Sabian AA or Meinl Soundcaster. Depende din naman sa taste mo kung ano ang gusto ng tenga mo at swak sa budget mo. At ugaliin din ingatan ang cymbals. Bumili ng padded cymbal bag o mas mainam na bumili ng hard case. Isa pang pag iingat sa mga cymbals ay ang pagbili ng felt sleeve na ikakabit sa cymbal stand. Yun yung parang foam kung saan mo ipapatong yung cymbals mo. Kapag kasi walang felt sleeve, pwedeng magkaron ng keyhole yung cymbals mo o mag-crack yung gitnang part nito. Kung hindi naman maiwasan na magkaroon ng crack ang cymbals, pwede itong ipa-resize o ipa-hinang sa mga machine shop. Tatanggalin lang nila yung crack para hindi na ito lumaki, ang kilalang cymbal resizer sa PhilMusic at si sir DABOMB.
- Ok na ang lahat. Set-up, tono at cymblals. Ngayon, habang tumutugtog ka ay napapansin mo na biglang bumagsak ang isa sa cymbal stand mo. Sira pala ang lock nito. Isa ko pang natutunan bilang drummer ay ang mga hardware ng drumset. Hindi ka makakatugtog ng maayos kung sira ang throne mo o gumagalaw yung isang paa ng floor tom o usog ng usog yung boom stand mo. Kailangan din pala na ma-maintain mo kung ano yung set-up mo. Kasi mahirap na habang tumutugtug ka, biglang masira yung isang paa ng throne mo, pwede kang mahulog at pagtawanan ng mga tao hahahaha! Halimbawa ng gears ng isang drumkit ay ang stands. Cymbal stands, snare stands, hihat stands at throne. Minsan may mga drummer na naglalagay ng boom arm sa cymbals nila para makatipid sa stand. Yun yung pa hugis-L na kinakabit gamit ang cymbal clamp sa rod ng cymbal. Yung ibang drummers naman, mas pinipili nilang nakahiwalay yung tom kaya nagdadala sila ng tom stands. Kung ayaw mo naman ng madaming stand, pwede kang gumamit ng rack system para boom arms nalang ang ikakabit mo. Ano ang rack system? Ikumpara mo yung drumset ni Chris Adler at Mike Portnoy sa drumset ni Lars Ulrich at Dave Lombardo. Importanteng hardware din ang bass drum pedal. Hindi mo mapapatunog yung bass drum kung wala kang pedal. Kadalasang sira nito ay ang mga spring o yung chain. May ibang drum pedals na strap at hindi chain ang ginagamit, yung iba naman ay direct drive. May ibang drummers kagaya ko na gumagamit ng double bass pedals para sa mabibigat na tugtugin. Mahalaga din ang pagpili ng beater ng bass drum. Kadalasan ang beater ng bass drum at felt o yung parang matigas na tela pero meron din naman na kahoy o plastic ang dulo ng beater para sa solid na hataw nito sa bass drum. Wag din kalimutan ang bass drum spurs o yung paa ng bass drum. Hindi ka makakatugtog ng maayos kapag gumugulong yung bass drum mo.
- Ang isa pang importante sa pagiging drummer ay ang pagpili ng drum skin. Pano kung may tambol ka nga pero wala ka naman papaluin na skin kasi butas o may scotch tape? Importante din sa magandang tugtugan ang pagpili ng magandang drum heads o drum skin. Madaming klase ng heads, meron clear, merong coated ng puti o itim at meron naman na may bilog sa gitna. Ang pagpili ng drum heads ay parang pagpili din ng cymbals. Kung hard hitter ka, coated heads ang dapat sayo. Kung sa mga jazz o practice kits, mas preferred ng iba ang clear. Maganda din ang stock drum heads ng mga mumurahing drumset basta nasa tono. Tandaan din na dapat ingatan ang drumhead dahil may kamahalan ito. Ang alam kong pinakamurang drumhead ay nagkakahalaga ng 400pesos at ang pinakamahal naman ay 1000pesos pataas. Kung pag iingat ng bass drumhead, may nabibiling mga patch para sa bass drum lalo na sa mga hard hitters o yung gumagamit ng double bass pedals.
- Tips. Sa pagpili naman ng brand na bibilhin. Mas mainam bumili ng medyo high end na gamit o yung mura pero maganda ang quality. Para sa akin, ang pinaka high end quality na cymbals ay ang Zildjian A o K Custom, Sabian AA or AAX series at Meinl MB20 o Soundcaster series. Kung nagtitipid naman pero hanap mo ang magandang quality at tunog, pwede na ang Stagg DH or SH series, Sabian B8, Zildjian ZBT o ZHT at Meinl HCS. Kung beginner at pang bahay lang, pwede na yung Zildjian Planet Z o Sabian Solar, pero maganda din ang quality nito, hindi nga lang pang matagalan pag di naingatan. Sa hardware naman, maraming magagandang stand ang tinitinda sa raon, pero kung gusto mo na medyo matibay, bumili ng Gibraltar o Pearl hardware. Sa drumheads naman, pwede kong ma-suggest yung Remo Ambassador o Remo na Fernando. Maganda din ang tunog ng Evans C2 Clear at ng Aquarian heads. Sa pagpili ng drums, minsan hindi din nagkakalayo yung tunog nito bawat brand. Minsan mas magandang pumili ng mas magandang kahoy para sa drumset mo. Gawa din sa iba’t-ibang klase ng kahoy ang drumshells. May gawa sa plywood, yung pinakamura, may gawa sa birch, mahogany, oak, maple at bubinga. Depende na din sa tunog na gusto mo ang pagpili ng shells. Sa drumsticks naman, kung nagtitipid ay pwede na yung generic sticks ng Lazer. Kung medyo may pera, pwede mo din subukan yung Fernando sticks. At kung mayaman ka, may mga mamahalin na sticks na hindi madaling maputol kagaya ng Zildjian, Vic Firth, Pro-Mark at Vater. May mga nabibili din mga drumstick holders kung ayaw mong matalsikan ng drumsticks at pulitin pa to habang tumutugtog.
Tuesday, May 24, 2011
A Drummer's Tip
13 years old ako nung una akong tumugtog ng drums para sa banda. 11 years old naman ako nag simulang mangarap na tumugtog ng tambol. Naalala ko pa nun, gamit ko lang ay stick ng bananacue at mga lata ng ice cream. Nung first time ko tumugtog, akala ko ganun lang kadali magdrums kasi kumpleto na ang gamit sa studio, drumstick lang ang kailangan mong dalhin para makatugtog at mga kabanda mo. Madalas din kami sumali sa mga high school battle of the bands at tumugtog sa mga parties, kadalasan ay kumpleto na ang drumset nun at maganda pa ang tunog. Pero nung nag college na ako, dun ko na experience na hindi pala ganun ka-dali maging drummer. Minsan nakatugtog kami sa isang bar, hindi ganun kaganda ang drumset at kulang kulang pa ang gamit. Dun ko nalaman na hindi pala ganoon kadali maging drummer dahil magastos pala ito at hindi biro. Ito ang mga natutunan ko sa loob ng 8 taon ko na pagtatambol.
Ang inyong mga nabasa ay pawang mga opinyon lang at mga natutunan ko din sa tagal kong tumutugtog at sa tips na din ng ibang drummers. Happy drumming!
Monday, May 23, 2011
Influential Artists
Theres always this one certain artist that has moved you the most and has the power to shake you of your chair more than any other artist in the planet. We always have our number one musical hero or muse. In my case it is Tori Amos.
She has influenced me so much. I wanted to write songs like her. Songs I wanted to sing the way she sung. I like to think the way she thinks. Although I could never play the piano the way she does because the piano has always been the hardest instrument for me to learn. She is my ultimate favorite musician and since the day I discovered her music, it seems that no one could ever be more impressive to me but her. I would have a Tori playlist and would listen to it infinitly. Her lyrics to me is poetry and every time I'd analyze it I feel as if I'm starting to get to know her life better and discovering her past and her pains.
Sometimes I think Tori’s melancholic music is what makes me sad sometimes. Thats how she affects me strongly. I am a cheerful and positive person but somehow when I listen to her I'd always can't escape the idea of going back to all my pains. Yet sometimes it is also healthy to savor your pain and cry about it but remember not to wallow about it for too long or else it wont be pretty.
Then I realized that her individuality and music should only serve as an inspiration to be the best that I could be with the kind of music that I can offer and with the person that I am; different from anybody else. I shouldn’t write or play or sing like Tori. I should write,sing and play music as myself and somehow inspire other people to be their own hero or muse to others too.
How about you? Who influenced your music the most!? Post it here!
Friday, May 20, 2011
10K.... Achievement Acquired!
December 2, 2010. Ang araw na ginawa ko ang Indie Band News. Sa mga panahong yun eh alam ko ay kakasarado lang ng NU at naghihimutok ang mga kalooban ng mga mahihilig sa klase ng musika na di mo mahahanap sa ibang istasyon ng radio. Ang NU ay di lamang istasyon ng mga “Rakista” kundi istasyon ito ng mga taong mahihilig sa Indie Music. Isang klase ng musika na di nabahiran ng komersyalismo at punong puno ng pagasa na maririnig ng ibang tao ang kanilang mga tugtugin. Isang klase ng musika na maski ako ay kasali. Ramdam ko ang kahirapan at saya ng pagbabanda. Kahit minsan ay mahirap o imposible, nakakaya parin itaguyod ang kanya kanyang banda. Di mo maitatangi ang sarap at tamis ng feeling kapag nakakabuo ka ng kanta. Mas lalangamin ang kalooban mo kapag natutugtog nio na ito sa harap ng maraming tao. Kahit nga minsan ay mabibilang sa kamay ang audience mo ay todo kayod ka parin.
Sa totoo lang ay di ko alam na lalaki ang network natin ng ganito. Di ko akalain na napakaraming bandang naghihirap sa pag promote at pagpapalaganap ng kanilang musika sa ibang tao. Actually mas madali sa mga panahong ito dahil sa mga social networks. Isang platform para makilala ang mga tulad nating indie bands ang internet lalo na ang facebook. Di na tayo magpapasa ng mga brochure at hand outs sa labas ng bar na tutugtugan natin. Di na tayo tatawag sa bawat isang kaibigan natin para ipaalam sa kanila na meron kang tugtog sa ganitong araw at sa ganung lugar. Pero kahit advance na an gating teknolohiya ay napaka hirap mag-aya ng mga pupunta sa gig nio. Trust me.. I know…
Isa sa mga paborito kong sites kapag wala akong ginagawa sa office ay ang www.absolutepunk.net. Isang foreign site na naglalaman ng mga balita sa mga punk rock bands. Kadalasan ko kasing hanapin at maging updated sa mga paborito kong banda lalo na ang Blink 182 at Taking Back Sunday. Naisip kong napakagandang idea ang isang site na pwede mong makita at malaman ang mga bagong updates sa mga banda na gusto mo. Ang maganda pa dito ay makikilala mo pa ang mga bandang di mo naeencounter. Mga bagong banda na meron sariling musika na maganda at kapanapanabik. So I decided to make this fan page… Indie Band News.
Maganda ang unang mga araw ng fan page na ito. Kahit kakarampot pa lang ang mga naglike sa naturang page ay lalo akong ginanahan na magupdate ng magupdate ng mga kung ano ano tungkol sa mga banda. Isa sa mga goals ko ay gawing isang malaking network ang mga banda at mga production na tingin ko ay di masyadong nagkakakilala. Masasabi kong successful ako sa naturang hangarin na iyon. Ang mga dating di magkakakilala ay ngayon nagiging acquainted sa isa’t-isa.
Kahit maraming nanyaring di maganda or di kaayaaya sa mga days ng page nato ay di ko nireregret na kinakain nito ang oras ko bawat araw. Oo maraming nanyari na.. isang launch sa Headstock, isang launch sa Molokai na balita ko ay umulan ng alak, isang cancelled event sa Kodomo at isang trip kong pa event sa Genre Bar. Ang sarap makita kayong tumutugtog at nageenjoy!
Natutuwa rin ako at me mga naglabasan na mga page tulad natin. Ang mga buddies natin na mga yan ay suportahan rin natin dahil maganda ang kanilang hangarin. Nagpapasalamat ako sa mga founders at admins ng mga page nay un kasi alam ko na mahirap ang ginagawa naming but still ginagawa parin nila. Don’t get me wrong. Di madaling magupdate araw araw.
Laking pasalamat ko sa mga admins ko na sina Arnold of Espiya, Mitsi of Freia, Kuya Kurt and Sir Nolit of Indiepinoy, Jowi of Halogen, Joanne, Jacob of Soil & Green, Hanna banana of South Hallucination Productions, Carlo of Sonnet2ezra, CafĂ© Antonio Los Banos Group, Geepee of Filled Trip at Chloe of Milky Summer. Di lalago ang page na ito kung di ko kayo kasama. Kahit busy kayo sa buhay buhay ay alam ko na suportado nio ang page natin. Salamat sa mga tao sa Indie Band News Support Group! Mga helping hand natin sa paggawa ng mga magagandang bagay tulad ng Web Magazine natin. Sa lahat ng banda at production, salamat sa pag like din at pag support! Salamat din sa mga naglike dahil sa Indie’s Hottest Girl!
10k na tayo… achievement acquired!
Thursday, May 19, 2011
The Metal Scene
This week an admin of Indie Band News messaged me and asked if I could write an article about the Indie Metal Scene or about Indie Metal bands. Honestly, I found it hard to come up with something interesting to write about. I’m actually writing this article spontaneously with no drafts, no nothing. So please bear with me here. I’m not a metal know it all, I just write what I think. Well then, let’s do this shit!
Metal is all about expressing oneself with no regard for the social norm. It’s about raising your middle finger to the corrupt government, your professor, your neighbor and anything that pisses you off. Metal is about freedom. Metal is about breaking through the barriers which confines and limits your thought, creativity and imagination.
No wonder there are so many independent metal bands around the world. They struggle and in this struggle they hone and refine their own brand of metal. No need for fame. No need for all that glamor. Independent metal bands only need a small bar, a handful of people and a moshpit. Personally, playing on a big stage is a wonderful experience. Now Ive experienced playing in bars and I tell you nothing beats playing a gig in a small overcrowded bar. You are close to the audience and you can feel the vortex of energy swirling all around you when the first beat of the song hits. You can see people moshing and kicking at each other and you can’t help but smile at the beauty of the moment. Personally it makes me happy to see that they get the release that they want whenever we play a song regardless of whether they actually know our song. I think it is this feeling that independent metal bands cherish which is the feeling of unity. But ultimately, the greatest thing about being independent is actually controlling the reins of the music that you are making. And that is what metal is all about right? No holds barred, in your face, home-brewed metal goodness.
Being independent also highlights great talent within each individual in the band. There is no hindrance and yes I am repetitive, the bands can do whatever the fuck they want with their songs. It is a constant evolution in the independent metal scene. Never ending experimentation and exploration of the limitless possibilities that music can bring is always a must for the independent metal band.
Support for the independent metal scene is growing steadily and it’s good to see that independent metal bands can play at quality gigs nowadays. There are productions that cater primarily to metal bands and you can expect a decent thrashing and also body pains whenever you come home from a gig.
All I can say is the future of the independent metal scene is good and full of potential. Now who wants to go the Mass Defect Album Launch with me on the 28th?
Wednesday, May 18, 2011
How many ways can you make a song?
Song making is a skill that musicians must have to call themselves musicians. A song may contain your feelings, ideals, principles on life or you just wanna say something. A song is an instrument for manipulating emotions of people. The power and grace that comes with a song can move a whole nation or just cheer a lonely soul. Music can uplift a weary spirit. Soft music played in the corridors, like painting walls pink, has been shown to mellow even hardened criminals in prison, but after some duration the incarcerated can become more aggressive than before. Music can strengthen faith or destroy it.
So how many ways can you make a song?
1. You start with the melody first. Like I do, I start with a melody for the song. It’s either with a guitar, keys or just plain whistling it. With this, you plot the empty and vacant syllables for your kick ass lyrics to occupy. If you like your song to be uplifting and charged up, make it fast paced. If you like it to be subtle, romantic or just plain sad, slow down cowboy. After blueprinting a bullet proof melody for your song, then you start making the lyrics. This is the part where you convey your emotions and lay them out to your melody. You may encounter difficulty in placing those words on the melody because of the timing and number of syllables. Don’t fret. Just try to find cool synonyms for words that are too long or too short.
2. You start with the lyrics. In vice verse from the first one, you start making your song by starting on the lyrics first. You tend to focus on meaning and the story behind the song you are going to make. You think of the possible things to make the lyrics interesting first and spun a web of cool looking lines to let the audience be hooked on your song. You may go with narration or storytelling. It is like telling the audience in sequence what happened to you or what you are trying to emphasize. You can also result to references to some cool songs you know or even things you encounter in everyday life. After putting down those really pretty lyrics, now you make your melody. Now, you may encounter problems with the measurement of the lines to fit your melody like the first one. Grammar and knowledge in speech comes in handy here.
3. Make other songs as a reference. Don’t get me wrong but this isn’t copying the whole song. It’s just making a song a reference to make your own song. For example, you may find a certain parts of a song cool or you can’t get enough of it. You may make this as a reference. You can give it a spin or reconstruct it in a different way. You may look at the lyrics of the song and be fascinated by how the composer played with his lyrics. You could do that sort of thing also in your song. Remember: Referencing, not copying. Either way the thing that you will make will sometimes be a lot different from what you had referenced.
4. Write little parts of the song. I usually do this to some extent. Sometimes you have something in mind for a song. Maybe a melody or the essence of it. If it is a lyric, it is best to write it down as soon as possible. If it is a melody or a riff, you might want to record it ASAP. Music is sometimes like the wind. If it passes you, you might not remember it. Be mindful of this. The next thing that may come to your mind might be the next big thing hit! Also, look at your past music or lyrics that you haven’t used. Maybe you can fit them together and make a new song altogether. So don’t throw those gems of yours.
5. Write everything without minding what it means. Sometimes musicians do this. They just write a bunch of stuff and they don’t even know what it means. Maybe it may seem to have certain feel or meaning once it’s finished. It’s like painting abstract. You just write what you feel. People may have their own opinions about your song after its finished. But you know better. Even the melody may not be like the conventional format for songs. It’s really up to you.
I know there are more ways to do this. Just keep in mind music moves people so be cautious in what you make! Please keep on reading the Indie Band News Web Magazine and support our cause to spread indie music. Please also check out my band With Empty Eyes! We are doing something big this June.
Tuesday, May 17, 2011
Mga Karakter sa Pagbabanda
Isang katuwaang article para sa inyo. Ito ay maaring totoo o piksyon. Ito ay base sa sariling karanasan na hinaluan ng imahinasyon at hindi kalian man sumasalamin sa kahit kanino. Ang init init sana lumamig ang ating mga ulo sa artikulong ito, baka lalong umiinit pa nga ulo dahil WALEY!
12 out of infinite Characters sa buhay Banda!
Rookies – “Tara Buo Tayo banda! Cover natin Alapaap - Eraserheads, The reason – hoobastank at Jeepney – spongecola” Ito malamang ang maririnig mo sa kanila. Sila din yun mga hayok na hayok kumuha ng gig na kahit 20 tickets 200 each with free sticker ay papatusin na makatugtog lang sa gig. Matagal sila magsetup dahil inaalam pa nila kung saan isasaksak ang kurdon at kanino manghihiram ng drumstick.
Studio Wreckers – Sila yun mga tagabutas ng skin ng snare at tagapilas ng cymbals. Tagaputol ng strings gamit ang 3mm pick. Madalas ang bandang may ganito ay nagdidisband agad. Tuloy pa rin sila sa paghasik ng lagim sa mga gig o sa mga studio na mapupuntuhan nila kaya (BEWARE!)
Outsiders – Sila ang mga hindi oorder sa bar ngunit makikita mo umiinom ng GranMa sa labas ng bar. Sila ang nagpapaluwag sa masikip na venue dahil papasok lang sila pati mga guest nila pag set na nila. Mabibilis din ang kamay nito, sa isang beses nilang nasa loob nakakauwi na sila ng mababa sa 10 baso at 3 menu galing sa bar. Sa ngayon misteryo pa rin sa karamihan paano nila nagagawa ito.
Drunken Masters – Ito ang mga taong hindi tumutugtog ng hindi nakainom. Mahina sa kanila ang isang bucket ng beer at 1 sizzling sisig. Sila yun pinaglihi sa Makahiya pag walang alak kulang nalang maglagay ng supot ng pandesal sa ulo nila. Gustong gusto sila ng mga Bar at Production. Kahit wala silang ginagawa sa instrumento nila ay hayop sa hiyaw ang may ari ng bar at mga staff ng production.
Quiet Ones - Ito ang combination ng outsiders at drunken masters. Madalas tahimik lang sila sa isang lugar. Aalukin mo ng alak tatanggi sila dahil nahihiya sila sapagkat wala siyang pera pang ambag. Magugulat ka nalang at mas makulit pa sa iyo habang nagpeperform. PagnagCR o nag yosi sa labas i-expect mo, solve na yan!
Rockstars – “Stars of the night” sa kanilang sariling mundo. Idol nila si Vic Sotto kasi lagi nilang sinasabi sa microphone, “Hi! Fans!”. Sila yun kakausapin mo, “Sir, ang galing niyo po” ang laging reply nila “Yeah, I know!”. Lagi silang may dalang pentel pen. Kahit hindi ka humingi bibigyan ka nila ng autograph. Lagi silang nakikisali sa may nagpipicture at aakbay pa sa iyo at sasabihin “OK lang, My pleasure”. Hindi ka nila i-aadd sa facebook pero maifofollow mo sila sa twitter.
Supermen – Ang mga taong hindi natutulog. Meron silang mababa sa 2 trabaho, 5 sports na active at 3 banda (maliban pa yun sinesession nila). Makikita mo sila halos sa iba’t ibang lugar sa isang araw. Sa byahe lang sila natutulog dahil sa prinsipyo nila, “1/4 ng buhay natin tayo ay tulog, kung 100 years kang nabuhay 25 years ang nasayang sa pagtulog”. Madalas silang napapatalsik sa trabaho dahil sa opisina sila nagpapraktis ng pyesa ng kanyang mga banda.
Panoramics - Sila ang lahat sa isang banda. Sila ang gumagawa ng lyrics, bass line, lead and rhythm guitar at drums solo. Sila din ang humahanap ng mga gig at contact. Sila din ang nanlilibre sa mga kabanda niya ng pampraktis at mga gastusin sa gig. Wala silang hobby kung hindi ang pagbabanda at tugtugan nila. Wala silang sex life at madalas silang nagsisisi sa kanilang pagtanda sa pagiging matandang binata at dalaga.
Internet Wizards – Sila ang taong kilala at alam ang lahat ng kanta ng kasabay nilang banda (maliban kung walang fanpage yun banda). Sila yun updated sa lahat ng activities at gigs sa internet. Madalas makikita mo sila sa wall ng mga production at sa mga bandpage. Friendly sila sa chat pero sa personal makakausap mo lang sila pag may wifi sa paligid. Magaling silang bumasa ng tabs at pinagdidikit nila ang mga tabs at lyrics para makagawa ng pyesa sa banda. Sila din ang may salarin sa pagkagawa nito.
Cavemen – kabaliktaran ng internet wizards at supermen. Tatlo lang ang ginagawa nila sa buhay (huwag kang pilosopo) matulog, magpraktis ng pyesa at maggig. Wala silang electronic equipment maliban sa amplifiers at music gadgets nila. Misteryo pa rin kung saan sila kumukuha ng pangkain nila sa karinderya at pambayad ng bills sa kuryente. Naglalakad sila lagi sa venue ng gig at minsan ay nagbibisikleta. Environmentalist din sila kaya ayaw nila sumakay ng kahit anong uri ng smoke-emitting vehicles.
Guest Band Calibers – Ito ang mga taong hindi papayag hindi sila guest band sa mga event. Madalas may conflict ito sa mga kabanda niya dahil sa kakulangan ng mga gigs. Lagi niyang inilalagay sa wall ng mga production “Check us out! Pwede po ba kami maging guest band?”. Bilib na bilib sila sa sarili nila at laging pinagmamalaki na kaya niya ang lead ng “through the fire and flames – dragonforce” o mga palo ni Mike Portnoy. Chinecheck niya rin palagi ang tip na makukuha niya at laging malaki dapat ang porsyento niya.
Elders – Sila ang beterano sa eksena. Madalas sila ang nagbibigay ng payo kung paano pagandahin ang musika, paano palaguin ang negosyo at kahit na problema sa pagibig nasasagot niya. Madalas hindi sila nagrereply sa text dahil lahat ng hindi niya kaclose ay linalagay niya sa spam message. Madaling lapitan sa personal lalo na pag lasing! Maghanda ka na ng ballpen at notebook para makakuha ka ng tips base sa kanilang experience. Hate na hate din pala nila mga jejemons. (Jejejejeje)
Pag maraming nabaduyan malamang wala ng kasunod ito. :)) Salamat sa mga nagbasa at suportahan natin ang Indie Band News pati na rin ang munti kong bandang TRIPLEHORNS. More power sa mga bandang nandiyan.
Walang kinalaman ang title sa laman ng article na to.
Why is the music industry dead (Thor the Mystery Man)
My Name is Thor : Why is the music industry dead?
Its 8am and still I haven't slept. I remember a few months ago, at around 3AM I was playing at UP Fair my first time, well second this year. The first one was few months and a day ago, Feb 16,2010 where my band got more or less 10 new facebook likes after playing for 100 no 200 people. I'm really happy that those 10 so so people actually searched my band's name on facebook and clicked on the like button. Some even left positive comments which I really appreciate. What made me awake today wasn't about that, i remember hours before my 2nd day at the UP Fair, I got really disappointed. First, all of the main bands played before us and second there were only around 20 people who actually stayed and listened to the less fortunate, unpopular bands like us. And that made me think. Why oh why did the 1000 something people who were jumping around the tune of Parokya ni Edgar, Kamikaze and SPONGE COLA!, left after the said bands played? It's too late? Cmon! Our first day, Franco played at around 3AM, people where still there!
So I asked myself the question. If I were in their situation what would I do? I'd probably leave as well. Why? You may ask? Because 1. I don't freakin' know who these bands were and 2 I'd probably think, this band isn't sikat for a reason, they probably suck.
Now that I'm the musician playing on stage, I'm confident to say to myself, my band doesn't suck! And so does the other bands in my team. We are just not getting enough exposure to become really popular. Why? because the music scene is dominated by signed bands under a major label that corrupts the system. It's not about money, its about territory, and all the big shot radio stations and tv music channels are marked!
I'm still wondering up to now who among the popular bands started indie, and are still indie, without the help of any major label. If any person here can name one let me know, because the way I see it, if you don't sign, you won't be recognized. I've been a music enthusiast all my life, even before I became a musician myself, I've been listening to local bands across the metro, listening from different genres and I'm telling you, there are a lot of unsigned, or independent bands out there, that should be heard. Magugulat na lang kayo, and you'll tell yourself, "Grabe! Galing ng bandang to!"
If only those 1000 something people stayed until all the bands where finished, I'm 100% sure they'd enjoy the music of other independent, unsigned, unpopular bands. They would've discovered, that beside the music circle, there's another circle of unpopular bands that make good music.
I'm waiting for the next Bamboo to light up the fire in today's music band scene. Don't put out the fire, let's explore and discover new music from new up and coming bands, continue the cycle. When you go to a gig, Stay, Listen, even if you don't know the band. By doing this, you're keeping the music scene alive.
- This is just my 2 cents, I'm tired and cannot type anymore. Hope everyone get my message.
- I'm not saying na the current signed bands aren't good magaling silang lahat!
-I'm not saying na nakakasawa yung paulit ulit na pagtugtog nila ng paulit ulit nilang old hit.
Or maybe I am...
Keep the music alive. My name is Thor and I'm not kidding.
Subscribe to:
Posts (Atom)






